|
||||||||
|
||
Ang ginaganap na ika-7 Round ng Mataas na Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay nakakuha ng mga positibong progreso sa mga aspektong gaya ng pagkabalanse ng kalakalan, agrikultura, paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa Karapatan ng Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR), at serbisyong pinansyal. Kabilang dito, walang humpay na dumarami ang pagkakasundo ng dalawang bansa sa isyu ng pagpapalakas ng pangangalaga sa IPR. Alam ng lahat na ang pangangalaga sa IPR ay "pinakamasusing pangangailangan" ng anumang mapanlikhang bansa. Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, mayroong tatlong "interest convergency" ang Tsina at Amerika sa nasabing isyu.
Una, sa aspekto ng pagpapataas ng kakayahang kompetitibo ng kabuhayan, ang pangangalaga sa IPR ay komong kahilingan ng Tsina at Amerika.
Para sa Tsina, nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, isinasagawa ng Tsina ang isang serye ng hakbanging gaya ng pagsusog sa mga batas at regulasyon, at pagbuo ng espesyal na IPR court para mapataas ang komprehensibong puwersa ng IPR at mapalakas ang pangangalaga sa IPR. Bunga nito, napasigla nang malaki ang inobasyon ng bansa.
Para mapalakas ang pangangalaga sa IPR, ang pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig hinggil dito ay isang mahalagang paraan. Ang Amerika ay moderno at malakas na bansa sa inobasyon sa buong daigdig. Kaya, pinag-aaralan ng Tsina ang mga mabuting ginagawa ng Amerika sa usapin ng pangangalaga sa IPR.
Ikalawa, sa aspekto ng pandaigdigang sistemang pangkabuhayan at pangkalakalan, ang IPR ay nagsisilbing "pundamental na pamantayan." Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya, mayroong komong kapakanan ang Tsina at Amerika sa pangangalaga sa IPR. Layon ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina ang mas mainam na pagtugma sa pamantayan ng pandaigdigang sistemang pangkalakalan.
Ikatlo, sa aspekto ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, dapat palakasin ng isa't-isa ang pangangalaga sa IPR. Sa kasalukuyan, ang Amerika ay pinakamalaking export market ng Tsina at ika-6 na pinakamalaking import country. Ang Tsina naman ay pinakamabilis na lumalaking export market at pinakamalaking import country ng Amerika. Bunsod ng palalim nang palalim na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, walang dudang tumataas ang kahilingan ng dalawang bansa sa pangangalaga sa IPR. Ang kahilingan ng Amerika sa Tsina na palakasin ang proteksyon sa IPR ng mga bahay-kalakal nito sa Tsina, ay nakapareho sa direksyon ng reporma at pagbubukas ng Tsina. Ipinahayag ni William Mansfield, IPR Director ng ABRO Industries, na may maraming matagumpay na karanasan sa proteksyon sa IPR ang kanyang kompanya sa Tsina. Ito aniya ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa isyung ito.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |