Nagbukas Marso 3 at 5, 2019 ang mga sesyon ng Ika-13 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), pambansang organong tagapayo ng Tsina; at Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa, ayon sa pagkakasunod.
Ang dalawang pulong na ito ay tinatawag na "Dalawang Sesyon." Para ipaliwanag ang tungkol sa "Dalawang Sesyon," at kung paano ito nakakapagdala ng mabuting resulta sa ekonomiya ng Tsina't Pilipinas at ugnayang Sino-Pilipino, sumahimpapawid kamakailan sa programang "Wow China" ng Radyo Pilipinas ang espesyal na interbyu kasama si Rhio Zablan, mamamahayag ng Serbisyo Filipino-China Media Group.
Narito't pakinggan natin ang programa't panayam.