Pagbobotohan Marso 15 ang Bagong Batas sa Pamumuhunang Dayuhan sa taunang sesyong lehislatibo ng Tsina.
Ito ang ipinahayag ngayong araw ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng ika-2 sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Ang taunang sesyon ay nakatakdang magbukas bukas ng umaga.
Saad ni Zhang, ayon sa bagong batas, magtatamasa ang mga mamumuhunang dayuhan ng pre-established national treatment at negative list management system. Ito ay kapalit ng case-by-case approval management mode.
Paliwanag pa ni Zhang, batay sa bagong batas, mababasa sa negative list ang mga larangan kung saan ipagbabawal o lilimitahan ang puhunang dayuhan. Samantala, ang mga sektor at industriyang wala sa naturang listahan ay ganap na bukas, ibig sabihin, ang mga bahay-kalakal na Tsino't dayuhan ay bibigyan ng parehong trato.
Salin: Jade
Pulido: Rhio