Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga etnikong minorya, laging nasa puso ni Xi Jinping

(GMT+08:00) 2019-02-10 10:49:29       CRI
May 56 na etnikong grupo ang Tsina, at namumuhay sa mga liblib na lugar ng bansa ang maraming sa kanila. Pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bawat etnikong minorya. Maraming beses siyang bumisita sa mga purok panirahan ng mga etnikong minorya, para malaman ang kalagayan ng pamumuhay nila, at itakda ang mga patakaran hinggil sa pagpapaunlad ng naturang mga purok.

Ang Dulong River Village ay purok panirahan ng etnikong minorya ng Dulong. Matatagpuan ang nayong ito sa dalawang pampang ng Dulong River sa lambak sa pagitan ng Gaoligong Mountain at Dandanglika Mountain sa lalawigang Yunnan. Noong dati, labis na mahirap ang pamumuhay dito, dahil sa di-maayos na komunikasyong hinarangan ng mga bundok. Noong 2014, kasunod ng pagtatayo ng Gaoligong Mountain-Dulong River Tunnel, nahinto ang mahabang kasaysayan ng baradong haywey papasok-labas ng Dulong River Village tuwing taglamig dahil sa makapal na nakabarang niyebe. Noong taglamig ng 2015, sa panahon ng paglalakbay-suri ni Pangulong Xi sa Yunnan, pumunta ang mga kinatawan ng etnikong Dulong sa tirahan ni Xi sa pamamagitan ng haywey. Sa kanyang talumpati sa pakikipagtagpo sa kanila, sinabi ni Xi, na:

"Lubos kong ikinatutuwang makabisita kayo sa akin. Taglamig ngayon, pero hinding kayo naatala dahil sa niyebe. Sa landas ng pagsasakatuparan ng Chinese Dream para sa pag-ahon ng nasyong Tsino, hindi dapat mawala ang isang etniko, at dapat isakatuparan ng lahat ang may-kaginhawahang lipunan sa mataas na antas."

Ang Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ay matatagpuan sa hilagang kanluran ng Tsina, at ang saklaw nito ay katumbas ng sangkaanim ng saklaw ng lupa ng buong Tsina. Naninirahan dito ang 47 etnikong grupo na kinabibinangan ng etnikong Han, etnikong Uygur, etnikong Kazakh, at iba pa. Ang katatagan at kaunlaran sa Xinjiang ay nakakatawag ng malaking pansin ni Pangulong Xi. Noong Abril 2014, naglakbay-suri sa Xi sa Kashi sa katimugan ng Xinjiang at bumisita siya sa bahay ng isang etnikong Uygur, para malaman ang kalagayan ng pamumuhay ng pamilya niya.

"Ang aking pagbisita ay naglalayong alamin kung ang mga patakarang preperensyal ng pamahalaan ay ipinabatid sa mga mamamayan at angkop sa hangarin ng mga mamamayan. Ang lahat ng mga patakaran ay dapat itakda at ipatupad ayon sa hangarin ng mga mamamayan at batay sa ideyang pagbibigay ng benepisyo sa mga mamamayan."

Lubos ding pinahahalagahan ni Pangulong Xi ang pagkakaisa ng mga etnikong grupo sa Xinjiang. Minsan sinabi niyang,

"Ang pagkakaisa ng mga etnikong grupo ay mahalaga para sa bawat etniko. Ito ay batayan ng pag-unlad ng Xinjiang, at komong mithiin din ng mahigit 1.3 bilyong Tsino. Ito ay kasinghalaga ng ating buhay."

Sa Rehiyong Awtonomo ng Hui ng Ningxia, may isang pamayanan ng etnikong Hui na tinatawag na Xihaigu. Dahil nasa kabundukan at kulang sa tubig, ang Xihaigu ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa Tsina, at itinuturing ito ng United Nations Food and Agriculture Organization na "most unsuitable place for human habitation."

Noong 1997, sa kanyang panunungkulan bilang pangalawang party secretary ng lalawigang Fujian at puno ng namumunong grupo ng pagbibigay-tulong ng Fujian sa Ningxia, ginawa ni Xi Jinping ang isang proyekto ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa Xihaigu. Sa ilalim ng proyektong ito, naitayo ang isang bagong nayon sa lugar na may maayos na kapaligiran sa Ningxia, at inilipat dito ang mga mahihirap mula sa Xihaigu. Ang nayong ito ay tinatawag na Nayong Minning na magkahiwalay na abbreviation ng Fujian at Ningxia. Sa simula mahigit 8000 lamang ang mamamayan sa Nayong Minning, at sa pamamagitan ng maraming taong pag-unlad, ito ay naging Bayang Minning na may mahigit 60 libong populasyon.

Noong Hulyo ng 2016, bumalik sa Bayang Minning si Pangulong Xi, at tuwang tuwa siya sa malaking pagbabago dito. Ani Pangulong Xi,

"Nitong 20 taong nakalipas, ang Nayong Minning ay umunlad sa Bayang Minning. Ang taunang kita ninyo ay umabot sa mahigit 10 libong yuan mula sa 500 yuan noong dati. Lumaki ito ng mahigit 20 beses. Tuwang tuwa ako sa kasalukuyang mabuti at maligayang pamumuhay ninyo. Umaasa akong gaganda pa ang inyong pamumuhay at maisasakatuparan sa lalong madaling panahon ang target ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa Ningxia."

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>