|
||||||||
|
||
Kasalukuyang idinaraos ang taunang sesyong lehislatibo ng Tsina, kung saan sinusuri ng mga mambabatas na Tsino ang mga ginawa noong 2018 at plano ng pamahalaang Tsino para sa 2019 sa government work report.
Kaugnay nito, sinabi ni Stephan Ossenkopp, Outreach Coordinator ng Schiller Institute, think tank na nakabase sa Alemanya, na sumasaklaw ang government work report ng Tsina sa iba't ibang larangan na gaya ng kabuhayan, lipunan at iba pa. Aniya, kasabay ng buong-sikap na pagpapasulong ng modernisasyon at urbanisasyon, ang pagpapauna ng pamahalaang Tsino sa pagpapataas ng kapakinabangan ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng pagpapahupa ng kahirapan at pagpapasigla sa kanayunan, ay tumatak sa kanyang isipan.
Si Stephan Ossenkopp
Umaasa rin si Ossenkopp na ipapakilala ng Tsina sa Alemanya at ibang bansa ang mga natamong bunga sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), para mas maraming bansa ang makaalam at makilahok sa BRI. Sa tingin niya, kailangan ding makilahok sa BRI ang mga bansang industriyal na gaya ng Alemanya, dahil makikinabang dito, lalo na ang mga katamtamang laki at maliliit na bahay-kalakal at mga bahay-kalakal na nagtatampok sa pagluluwas.
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Lunes, Marso 4, sa preskon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, 152 bansa't organisasyong pandaigdig ang lumagda sa kasunduang pangkooperasyon sa Tsina sa ilalim ng BRI. Noong 2013, iniharap ng Tsina ang BRI para mapasulong ang komong kaunlaran at kasaganaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |