Sa pagbubukas kahapon, Marso 5, 2019, ng Ika-2 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), pinuntahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang delegasyon ng Inner Mongolia at magkakasama nilang sinuri, ang Government Work Report, at ipinahayag ang matatag at maliwanag na impormasyon at palagay.
Ang "berdeng pag-unlad" ay masusing salita na paulit-ulit na binanggit ni Xi at mga kinatawan. Ayon kay Xi, mahalaga ang pagpigil sa polusyon at pagpapabuti ng kapaligiran sa proseso ng paglipat ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina mula mabilis na paglaki tungo sa pag-unlad na may mataas na kalidad. Aniya, dapat panatilihin at pangalagaan ay kapaligiran, at huwag itong hayaang masira.
Ang Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina ang pinaka-unang rehiyong awtonomo na itinayo sa bansa, kung saan pinakamaagang isinagawa ang sistema ng awtonomiya ng pambansang minoriya. Ito'y tinitirahan ng 55 lahi.
Tinukoy ni Xi na dapat pabutihin ang kapaligirang ekolohikal at itatag ang rehiyong ito bilang mahalagang seguridad pangkapaligiran sa dakong hilaga. Dagdag ni Xi, ito ay estratehikong kaayusan at pananagutang dapat sagutin ng Inner Mongolia.
Iniharap din niya ang mga mungkahi para sa rehiyong ito, tulad ng, paghahanap ng bagong landas na may sariling katangian, at may maayos na relasyon ng pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran; pagpapa-una ang pangangalaga sa ekolohiya ng damuhan at kagubatan; paglutas sa mga problemang pinapansin ng mga mamamayan.
Salin:Lele