|
||||||||
|
||
Beijing – Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino, China Media Group (CMG) kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipnas sa Tsina, sinabi niyang sa malapit na hinaharap, 2,000 Pilipinong guro ng Ingles ang maaari nang magtrabaho sa mga pamantasan ng Tsina.
Anang embahador, napirmahan na ng Pilipinas at Tsina noong Nobyembre 2018 ang kasunduang may bisa sa loob ng 2 taon at maaaring i-renew.
Kabilang aniya sa mga kinakailangang pamantayan upang makapag-aplay sa posisyong ito ay: nagtapos sa kolehiyo, may medyor sa wikang Ingles, pumasa sa board exam, at may karanasan sa pagtuturo ng wikang Ingles.
Bingyang-diin ni Sta. Romana, na hindi na maaaring mag-aplay iyong mga nagtatrabaho sa mga state university ng Pilipinas, dahil ayaw din naman ng bansa na maubos ang mga guro nito dahil sa pangingibang-bayan.
Pero, aniya, iyong mga nasa pribadong unibersidad at iba pang pribadon institusyon ay welkam na mag-aplay sa posisyong ito.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon aniya ng mas magandang oportunidad sa empleyo ang mga Pilipinong guro ng Ingles.
Sa paraan ng pag-aplay, sinabi ng embahador na inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) o Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Foreign Expert's Bureau ng Tsina ang website upang makapag-aplay at makapag-interbyu, online, ang mga kuwalipikadong aplikante.
"Ang sinusubukan natin dito ay iwasan ang mga tinatawag na middleman," ayon pa kay Sta. Romana.
Nakita aniya ng mga Tsino na mahusay magsalita at walang masyadong rehiyonal na punto ang Ingles ng mga Pilipino, kaya naman malaking potensyal na merkado ang Pilipinas pagdating sa pagtuturo ng wikang Ingles sa Tsina.
Ang mga matagumpay na aplikante ay mapupunta sa mga pamantasan ng Tsina at magtuturo sa lebel ng kolehiyo.
Ani Sta. Romana, ito ay unang hakbang pa lamang, at depende sa magiging resulta, maaari pang magpadala ng mga karagdagang Pilipinong guro ng Ingles sa Tsina, sa hinaharap.
Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |