Nitong ilang araw na nakalipas, sinusubaybayan ng mga personahe ng ibat-ibang sektor sa ibayong dagat ang kasalukuyang taunang sesyong lehislatibo na idinaraos sa Tsina.
Ipinahayag ni Wichai Kinchong Choi, Pangalawang Puno ng Kasikorn Bank ng Thailand, na sinusubaybayan niya ang mga isinasagawang patakaran ng Tsina hinggil sa ibayong pagpapasulong ng bukas na pinansya at "Belt and Road." Aniya, ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay magkakaroon ng mas mataas na openness at transparency.
Sinabi ni Wichai na sinasubaybayan niya ang pahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Government Work Report hinggil sa ibayong pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas, at pagtatayo ng kapaligirang pang-negosyo na rules based, internationalized, at pinadaling mga proseso. Aniya, kasalukuyang lumalaki ang direktang pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan sa Tsina, at ito ay nagpapakita na optimistiko sila sa pamilihan ng bansa.