|
||||||||
|
||
Ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaang Tsino upang ma-i-ahon mula sa kahirapan ang lahat ng Tsino ay mabuti sa pag-unlad ng turismo ng Pilipinas.
Ito ang ipinahayag ngayong araw, Marso 8, 2019 ni Tomasito Umali, Tourism Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG).
Ipinaliwanang niyang, kapag maginhawa ang buhay ng mga Tsino, magkakaroon sila ng panahon at salapi upang magbiyahe sa ibat-ibang bansa ng mundo, tulad ng Pilipinas.
Ito ay nangangahulugang mas maraming kita para sa turismo ng Pilipinas, at mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, dadag ni Umali.
Aniya pa, dahil sa iba pang isinagawa at isinasagawa ng Tsina nitong nakaraang taon tulad ng pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, paglaban sa korupsyon, pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal, pagsusulong ng Belt and Road Initiative (BRI) at marami pang iba, napanatili ng Tsina ang katam-tamang paglaki ng ekonomiya ng bansa na nagdulot ng kaginhawahan sa buhay ng mga mamamayan.
Kaya naman, hindi lang sa larangan ng turismo nakinabang ang Pilipinas, kundi pati na rin sa larangan ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural, trade at investment, pagsulong ng kooperasyong pang-imprastruktura, sa ilalim ng BRI at Build, Build, Build, at marami pang iba, sabi ni Umali.
Diin niya, nitong ilang taong nakalipas, kahit pansamantalang nagsara ang Boracay, patuloy pa ring dumarami ang mga turistang Tsinong dumadalaw sa Pilipinas, at sa taong ito, ang target ay halos 2 milyon.
Malaki aniya ang posibilidad na makakamtan ang target na ito.
Ayon sa ulat, ang Tsina ang siya nang ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng turista ng Pilipinas.
Umaasa si Umali na lalo pang bubuti ang lahat ng ito dahil sa mga pagbabago at panukalang kasalukuyang pinagdidiskusyunan sa Liang Hui o Dalawang Sesyon.
Idinagdag pa ni Umali, na sa pamamagitan ng turismo, lalo pang lalakas ang ugnayang tao-sa-tao ng Pilipinas at Tsina.
Ang Liang Hui o Dalawang Sesyon ay ang taunang pagpupulong ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), pambansang lehislatura; at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), pambansang organong tagapayo ng Tsina.
Nagbukas ang mga pulong ng CPPCC at NPC noong Marso 3 at 5, 2019, ayon sa pagkakasunod.
Dito pinagdedebatehan ng mga mababatas at ibat-ibang representante mula sa maraming sektor ng Tsina ang hinggil sa mga priyoridad na panukala para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.
Ipipinid ang Liang Hui o Dalawang Sesyon sa Marso 15, 2019.
Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |