Kapuwa ipinagdiinan ng Kataas-taasang Hukuman at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina ang pangangailangan ng pagpapalakas ng proteksyon sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang isip (IPR), para makalikha ng magandang kapaligirang pang-negosyo, ayon sa mga batas.
Ito ang mababasa sa mga ulat ng Kataas-taasang Hukuman at Kataas-taasang Prokuratura na iniharap ngayong araw sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, para suriin.
Ayon sa mga ulat, noong 2018, upang maprotektahan ang IPR, itinatag ng Kataas-Kataasang Hukuman ang mekanismo ng pag-apela hinggil sa mga kaso ng IPR. Kasabay nito, itinatag din sa Beijing, Shanghai at Guangzhou ang mga hukuman at tribunal ng IPR.
Ayon sa World Bank Doing Business 2019, nakahanay ngayon ang Tsina sa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya. Samantala, nasa unang puwesto ang Tsina pagdating sa Quality of Judicial Processes Index at ika-6 na luklukan sa Enforcing the Contracts.
Salin: Jade
Pulido: Mac