|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Raconteur.net ng Britain, pinipili ng parami nang paraming dayuhang bahay-kalakal ang Tsina bilang bansa kung saan hinahawakan ang mga conflict sa IPR, dahil ang paglilitis sa Tsina ay maliwanag at makatarungan. Ayon pa rin ng isang artikulo sa Diplomat ng Amerika, mula noong 2006 hanggang 2011, mahigit 10% ng mga kaso ng IPR sa Tsina ay iniharap ng mga dayuhang bahay-kalakal, at mahigit 70% sa mga ito ay nanalo.
Noong Abril ng taong ito, isiniwalat ni Song Xiaoming, Presiding Judge ng Intellectual Property Trial Court ng Supreme People's Court, na marami sa mga kaso ng IPR, ang may kapuwa dalawang dayuhang panig. Ito aniya ay nagpapakitang gusto ng mga dayuhang magsampa ng kaso ng paglapastangan sa IPR sa Tsina.
Ang isa pang bentahe sa Tsina ay maikli ang tagal ng paghawak. Halimbawa, ang karaniwang tagal ng paglilitis ng mga kaso ng IPR sa Tsina ay 4 na buwan lamang, at ang karaniwang tagal sa mga bansang Europeo ay 18 buwan, samantalang ang panahon sa Amerika ay mas mahaba rin, 29 na buwan ang kailangan upang maghanda sa pagsasampa ng naturang kaso.
Magkakasunod na pinairal ng Tsina mula noong dekada 80 ang mga batas na gaya ng Batas ng Trademark, Batas ng Patent at Batas ng Copyright, at patuloy na isinagawa ang pagsusog at pagpapabuti. Pagkaraang sumapi sa World Trade Organization (WTO), lumahok din ang Tsina sa halos lahat ng mga pangunahing pandaigdigang kasunduan hinggil sa IPR. Itinatag din ng Tsina ang sistema ng proteksyon ng IPR na kinabibilangan ng copyright, trademarks, patents, trade secrets, geographical indications, new plant varieties, layout designs of integrated circuits, at iba pa.
Sa Boao Forum for Asia (BFA) ng taong ito, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hinihikayat ng Tsina ang mga normal na kooperasyong teknolohikal ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan. Pangangalagaan aniya ng Tsina ang IPR ng mga dayuhang bahay-kalakal sa bansa. Samantala, umaasa rin aniya ang Tsina na palalakasin ng pamahalaan ng iba pang bansa ang proteksyon sa IPR ng Tsina.
Kaya, walang katuwirang binatikos ng Amerika ang kalagayan ng IPR sa Tsina at inilunsad ang "trade war." Ang totoong layunin ng Amerika ay para pilgilin ang pag-unlad ng siyensiya, teknolohiya at kabuhayan ng Tsina. Gayunpaman, patuloy na pinalalakas ng Tsina ang proteksyon sa IPR, at hindi itatakwil ang pagpapaunlad ng sariling hi-tek na industriya.
salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |