Binuksan Enero 7, 2019 sa Beijing ang National Intellectual Property Right Directors' Meeting ng Tsina.
Ipinahayag ni Shen Changyu, Puno ng National Intellectual Property Right Administration ng Tsina, na noong 2018, lumampas sa 1.6 milyon ang bilang ng rehistradong invention patent ng bansa, na mas malaki ng halos 20% kumpara sa tinalikdang taon.
Ipinahayag din niyang sa taong 2019, ibayo pang mapapahigpit ng Tsina ang gawain ng proteksyon sa IPR, at mapapalalim ang pagtutulungang pandaigdig sa larangang ito.