Binuksan Agosto 24, 2018 sa Dalian, Lalawigang Liaoning, Tsina ang China International Patent Fair ng 2018. Sa temang "Patente, Nagbibigay ng Patnubay sa Pag-unlad na may Mataas na Kalidad," nakatakdang palakasin ng perya ang paglikha, pangangalaga, at paggamit ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR) at pasulungin ang pagpapalitan at transaksyon ng patente.
Ang perya ay tatagal ng 3 araw, at sa panahong ito, mahigit 6,100 proyekto mula sa mahigit 1,500 instituto, pamantasan, at organisasyon ng 26 na bansa at rehiyon ng buong daigdig ang kalahok.
salin:Lele