Sa taong 2019, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang pakikipagtulungang pandaigdig sa larangan ng karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR). Bukod dito, sinusuri rin ng bansa ang posibilidad ng pagtatayo ng sentro ng pangangalaga sa IPR sa labas ng bansa para maprotektahan ang interes at karapatan ng mga bahay-kalakal na Tsino.
Ito ang isiniwalat ngayong araw ni Shen Changyu, Puno ng National Intellectual Property Administration. Ani pa ni Shen, ayon sa pinakahuling burador ng batas sa patente, itataas ang kaparusahang pinansyal laban sa lantarang paglapastangan sa IPR.
Ayon sa pinakahuling datos, noong 2018 umabot sa 230 bilyong yuan RMB ang binayarang halaga ng inangkat na IPR ng Tsina, na mas mataas ng 20% kumpara sa 2017. Samantala, lumampas naman sa 37 bilyong yuan RMB ang halaga ng iniluwas na IPR, na mas malaki ng 15%.
Salin: Jade
Pulido: Mac