Pinagtibay Marso 14, 2019, ng Senado ng Amerika ang isang resolusyon na naghihinto sa idineklarang state of emergency ni Pangulong Donald Trump sa rehiyong panghanggahan sa timog ng bansa. Pagkatapos nito, ipinahayag ni Trump na balak niyang i-veto ang nasabing resolusyon.
Noong ika-15 ng Pebrero, nilagdaan ni Trump ang pahayag na nagsasabing lumitaw ang krisis na panseguridad at pantao sa hanggahan sa timog ng Amerika. Matapos ideklara ang national emergency, balak na itayo ni Trump ang boarder wall sa Mexico.
Salin:Lele