Ayon sa Syrian media, isinagawa ng League of Nations na pinamumunuan ng Estados Unidos ang air raid laban sa "Islamic State (IS)" sa probinsyang Ter Zor sa dakong silangan ng Syria. Dahil dito, sampung (10) sibilyan ang nasawi. Kabilang sa mga napatay ay ilang bata.
Ayon sa ulat, inilunsad kamakailan ng League of Nations ang ilampung air raid sa bayang Baghouz at mga nakapaligid na lugar na nagbunsod ng malaking kasuwalti ng mga sibilyang kinabibilangan ng mga babae at bata at pagkawasak ng mga instalasyon at pabahay sa lokalidad.
Salin: Li Feng