|
||||||||
|
||
Makaraang maganap nitong Biyernes, Marso 15, 2019, ang madugong pag-atake sa moske sa lunsod Christchurch, New Zealand, pumalo na nitong Linggo sa 50 ang bilang ng mga nasawi, samantalang 50 iba pa ang sugatan.
Sa isang news briefing Marso 17, ipinahayag ni Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand, na patuloy hanggang ngayong araw, Marso 18, ang pagdaragdag ng bilang ng mga pulis upang mapalakas ang alerto sa lahat ng moske, paaralan, at kindergarten.
Ayon kay Ardern, mula Linggo, nagsimulang isauli ang bangkay ng mga biktima sa kanilang kamag-anakan. Posibleng tatagal hanggang sa darating na Miyerkules, Marso 20, ang gawaing ito, aniya pa. Ipinagdiinan din niya na ang paghahain ng sakdal at paghatol sa nahuling suspek ay gaganapin sa New Zealand.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |