Sa Brussels, Belgium--Ipinahayag nitong Lunes, Marso 18, local time, ni Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ay magpapasulong sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Uniyong Europeo (EU).
Winika ito ni Wang sa magkasanib na preskon nila ni Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Uniyong Europeo (EU) sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad, makaraan nilang panguluhan ang ika-9 na round ng China-EU High-level Strategic Dialogue.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, si Pangulong Xi ay nakatakdang dumalaw sa Italya, Monaco, at Pransya mula Marso 21 hanggang Marso 26.
Bilang unang opisyal na pagdalaw sa labas ng Tsina sa taong ito, ipapakita ng gaganaping biyahe ni Xi ang pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Sino-Europeo, dagdag pa ni Wang.
Salin: Jade
Pulido: Rhio