Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyon, tampok sa ugnayang Sino-Europeo

(GMT+08:00) 2019-03-19 09:57:27       CRI

Magkasamang humarap sa mga mamamahayag sina Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Uniyong Europeo (EU) sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad, makaraan nilang panguluhan ang ika-9 na round ng China-EU High-level Strategic Dialogue, nitong Lunes, Marso 18, local time, sa Brussels, Belgium.

Ipinagdiinan ni Wang na ang kooperasyon ay pangunahing tunguhin ng ugnayan ng Tsina at Europa, at ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta ay target ng pagtutulungan. Aniya pa, ang paggagalangan sa mga nukleong interes ay palatandaan ng pagtitiwalaan ng magkabilang panig.

Sinabi naman ni Mogherini na lumalalim at lumalawak ang relasyong Sino-EU sa bagong antas nitong limang taong nakalipas. Nagkakaroon aniya ang dalawang panig ng parehong paninindigan laban sa unilateralismo at proteksyonismo, at kapuwa kinakatigan ang pagtatatag ng pandaigdigang kaayusan kung saan ang United Nations (UN) ay gumaganap ng pangunahing papel.

Saad ni Mogherini, sa katatapos na diyalogo, sa kauna-unahang pagkakataon, nakipagtagpo si Ministrong Panlabas Wang sa kanyang mga counterpart mula sa 28 miyembro ng EU at pinag-usapan kung paano palalakasin ang kooperasyong Sino-Europeo. Itinuturing ng EU ang Tsina bilang estratehikong partner na pangkabuhayan at pampulitika, dagdag pa ni Mogherini.

Umaasa aniya ang EU na mapapatingkad ng Tsina ang nangungunang papel sa mga isyung pandaigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>