Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Jean-Claude Juncker ng European Commission.
Sinabi ng dalawang lider na bilang mahahalagang miyembro ng daigdig, kapuwa may di-matatalikdang responsibilidad ang Tsina at Uniyong Europeo (EU) sa pangangalaga sa multilateralismo at sistema ng malayang kalakalan. Nakahanda silang pahigpitin ang pag-uugnayan at koordinasyon sa reporma ng World Trade Organization (WTO) at pagpapatupad sa Paris Agreement bilang tugon sa pagbabago ng klima.
Salin: Jade
Pulido: Mac