|
||||||||
|
||
Ayon sa taunang ulat World Intellectual Property Organization (WIPO), ang Huawei, telecoms giant ng Tsina ay nanguna sa mga kompanya sa daigdig sa bilang ng aplikasyon ng mga patente.
Batay sa nasabing ulat na inilabas nitong Lunes, Marso 18, local time sa Geneva, Switzerland, noong 2018, umabot sa 5,405 ang bilang ng inilabas na Patent Cooperation Treaty (PCT) application ng Huawei. Kasunod ang Mitsubishi Electric Corp. ng Hapon na may aplikasyon ng 2,812; Intel Corp. ng Estados Unidos na may aplikasyon ng 2,499; Qualcomm Inc. ng Estados Unidos na may 2,404 na aplikasyon; at ZTE Corp. ng Tsina na may 2,080 na aplikasyon.
Sinabi ni Francis Gurry, Direktor Heneral ng WIPO, na ang Asya ngayon ay nagsisilbing pangunahing pinanggagalingan ng pandaigdig na patent application sa pamamagitan ng WIPO, at muhon ito sa makasaysayang heograpikal na paglilipat ng mga aktibidad na inobatibo mula sa Kanluran patungong Silangan.
Ayon sa WIPO, 50.5% ng lahat ng PCT application ay galing sa Asya noong 2018, at ang Europa at Hilagang Amerika ay sumasaklaw ng mga tig-25%.
Noong 2018, ang Amerika ay naging pinakamalaking pinanggagalingang bansa na may aplikasyon ng patente ng mahigit 56,100. Kasunod ang Tsina na may aplikasyon ng 53,300 at Hapon na may aplikasyon ng 49,700. Sa kabuuan, noong 2018, tumanggap ang WIPO ng mahigit 250,000 aplikasyon ng patente na mas mataas ng 3.9% kumpara sa 2017.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |