Sa regular na preskon Miyerkules, Pebrero 13, 2019, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Tsina ang pagkabahala ng panig Tsino sa kaukulang pananalita ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa panahon ng kanyang biyahe sa Gitnang Silangang Europa. Saad ni Hua, niluto ng panig Amerikano ang iba't ibang paratang sa mga bahay-kalakal na Tsino, kahit walang anumang ebidensya. Ang esensya nito dagdag ni Hua, ay sikilin ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal na Tsino, sa pamamagitan ng puwersang pang-estado. Mapagkunwari at imoral ang ganitong aksyon, dagdag niya.
Ayon sa ulat, pagkaraang magbabala sa Hungary na huwag gamitin ang mga kasangkapan ng Huawei, sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Slovakia, sinabi ni Pompeo na kailangang pigilin ang pagmamanipula ng Tsina sa sistemang pulitikal ng Slovakia, sa pamamagitan ng kabuhayan at ibang paraan. Sa kanya namang pagdalaw sa Poland, ipinahayag ni Pompeo na ang pagtatakwil ng Poland sa kooperasyon sa Tsina ay makakabuti sa paged-deploy ng Amerika ng base militar sa Poland.
Saln: Vera