Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-20 ng Marso 2019, ni Matteo Bressan, iskolar sa relasyong pandaigdig ng Italya, na ang pagbibigay ng Italya ng positibong pagtugon sa Belt and Road Initiative (BRI) ay angkop sa interes ng bansa.
Winika ito ni Bressan kaugnay ng posibleng paglalagda sa malapit na hinaharap ng Italya at Tsina ng kasunduan hinggil sa paglahok sa BRI. Sinabi niyang sa mula't mula pa'y positibo sa BRI ang sirkulo ng pulitika at komersyo ng Italya. Magbibigay ang inisyatibang ito ng bagong sigla sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Italya at Tsina, at magkakaloob din ng pagkakataon sa kooperasyon ng dalawang bansa sa ikatlong panig, dagdag niya.
Si Bressen ay Propesor ng Libera Università degli Studi Maria Ss. Assunta di Roma ng Italya, at mananaliksik ng North Atlantic Treaty Organization Defense College Foundation.
Salin: Liu Kai