Magkahiwalay na kinapanayam kamakailan ng mga Chinese media sina Pangulong Sergio Mattarella at Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya, kaugnay ng gagawing pagdalaw sa kanilang bansa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Kapwa nilang ipinahayag ang pananabik sa pagdalaw na ito.
Ipinahayag ni Mattarella, na matibay ang pundasyon ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Italya at Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pagpapalagayan sa mataas na antas ng dalawang bansa, at lumalawak ang pagpapalitan ng mga mamamayan, dagdag niya. Ipinahayag din niya ang pag-asang ang pagdalaw ni Xi sa Italya ay ibayo pang magpapasulong ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, at magdudulot ng benepisyo sa kooperasyon ng Europa at Asya.
Isiniwalat naman ni Conte, na sa panahon ng pagdalaw, lalagdaan ng Italya at Tsina ang memorandum hinggil sa paglahok sa Belt and Road Initiative. Ito aniya ay magpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas. Ipinatalastas din ni Conte ang paglahok niya sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation na idaraos sa Beijing sa darating na Abril.
Salin: Liu Kai