Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-20 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, ang talakayan hinggil sa aklat na "Xi Jinping: The Governance of China."
Sa talakayan, binigyan ng positibong pagtasa ni Jiang Jianguo, Pangalawang Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng iba't ibang sirkulo ng Italya sa naturang aklat. Aniya, nakalakip sa aklat ang mga natamong bunga, mga sanhi, at prospek ng pag-unlad ng Tsina. Umaasa aniya siyang, pasusulungin ng aklat ang pag-uunawaan at pagtutulungan ng Tsina at Italya.
Sinabi naman ni Rosario Petrocelli, Tagapangulo ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Senado ng Italya, na ang naturang aklat ay makakatulong sa pagkaalam ng mga mamamayang Italyano sa Tsina at pag-unlad nito. Pinahahalagahan din aniya niya ang mga ideya at mungkahi sa aklat hinggil sa pangangasiwa sa bansa at pangangasiwa sa daigdig.
Salin: Liu Kai