Ipinahayag Huwebes, Marso 21, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat magkasamang magpunyagi ang Tsina at Amerika, para likhain ang kondisyon at ginhawa sa pagpapasulong sa people-to-people exchanges ng dalawang bansa, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan, at patibayin ang pundasyong lipunan ng matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Nitong Miyerkules, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Lawrence Bacow, Presidente ng Harvard University. Bukod dito, nitong nakalipas na ilang araw, kinatagpo ng mga lider ng Tsina ang maraming opisyal ng mga bahay-kalakal at namamahalang tauhan ng mga organong akademiko ng Amerika.
Tinukoy ni Geng na ang mga mamamayan ay pundasyon ng pagkakaibigan ng mga bansa, at ang pagpapalitan ay pinagmumulan nito. Nananatiling madalas ang pagpapalitan ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa, at hanggang ngayon, mahigit 5 milyong person-time ang ganitong pagpapalitan bawat taon, dagdag niya.
Ani Geng, winewelkam ng panig Tsino ang pagbisita sa Tsina ng mga personaheng Amerikano ng iba't ibang sirkulo.
Salin: Vera