Sa bisperas ng kanyang dalaw na pang-estado sa Pransya, inilabas ngayong araw, Sabado, ika-23 ng Marso 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulo sa pahayagang Le Figaro ng bansang ito. Nanawagan siya sa dalawang bansa na patuloy at magkasamang magsikap para sa komong kaunlaran.
Sinabi ni Xi, na nitong 5 taong nakalipas sapul nang gawin niya ang kauna-unahang dalaw na pang-estado sa Pransya, matatag na sumusulong ang relasyon ng dalawang bansa, lumalawak ang komong interes, at lumalalim ang pundasyon ng pagkakaibigan.
Iniharap din niya ang 4 na masusing aspekto para sa patuloy na pagpapasulong ng relasyong Sino-Pranses. Ang mga ito aniya ay paggigiit sa nagsasarili't may inisyatibang prinsipyo, pagpapasulong ng pagbubukas at win-win result, pag-aaral sa isa't isa, at pagsasabalikat ng mga pandaigdig na responsibilidad.
Salin: Liu Kai