Huwebes, Marso 21, 2019, lumisan ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina papuntang Italya, Monaco, at Pransya upang magsagawa ng dalaw-pang-estado sa tatlong bansa.
Kasama ni Xi sa biyaheng ito ay sina Peng Liyuan, asawa ng pangulong Tsino, Ding Xuexiang, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, He Lifeng, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, at iba pa.
Salin: Li Feng