Nag-usap kahapon, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sergio Mattarella ng Italya. Sinang-ayunan ng dalawang lider na pasulungin ang pagtamo ng mas malaking pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Xi ang pag-asang palalakasin ng Tsina at Italya ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Nakahanda aniya ang Tsina, na dagdagan ang pag-aangkat mula sa Italya, at pasiglahin ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Italya. Kailangan din aniyang palalakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng mga mamamayan sa mga aspekto ng kultura, edukasyon, pelikula't telebisyon, media, at iba pa.
Tinukoy din ni Xi, na kinakatigan ng Tsina ang integrasyon ng Europa, at iginagalang ang pagsisikap ng Unyong Europeo (EU) para sa paglutas sa sariling mga isyu. Umaasa aniya siyang patuloy na patitingkarin ng Italya ang positibong papel, para pasulungin ang partnership ng Tsina at EU na nakatuon sa kapayapaan, pag-unlad, reporma, at sibilisasyon.
Sinabi naman ni Mattarella, na nasa mataas na antas ang relasyon ng Italya at Tsina. Ipinahayag niya ang pagkatig sa Belt and Road Initiative. Nakahanda rin aniya ang Italya, na pasulungin ang relasyon ng EU at Tsina, at palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga pandaigdig na organisasyon.
Salin: Liu Kai