Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pangulo ng Tsina at Italya, nag-usap

(GMT+08:00) 2019-03-23 15:19:25       CRI

Seremonya ng panalubong


Nakipagtagpo ang dalawang pangulo sa mga kinatawang kalahok sa mga pulong ng China-Italy Entrepreneur Committee, China-Italy Third Party Market Cooperation Forum at China-Italy Cultural Cooperation Mechanism

Nag-usap kahapon, Biyernes, ika-22 ng Marso 2019, sa Roma, Italya, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sergio Mattarella ng Italya. Sinang-ayunan ng dalawang lider na pasulungin ang pagtamo ng mas malaking pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Bago ang pag-uusap, inihandog ni Mattarella sa palasyong pampanguluhan ang maringal na seremonya ng panalubong kay Xi.

Sa pag-uusap, ipinahayag ni Xi ang pag-asang palalakasin ng Tsina at Italya ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Nakahanda aniya ang Tsina, na dagdagan ang pag-aangkat mula sa Italya, at pasiglahin ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Italya. Kailangan din aniyang palalakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng mga mamamayan sa mga aspekto ng kultura, edukasyon, pelikula't telebisyon, media, at iba pa.

Tinukoy din ni Xi, na kinakatigan ng Tsina ang integrasyon ng Europa, at iginagalang ang pagsisikap ng Unyong Europeo (EU) para sa paglutas sa sariling mga isyu. Umaasa aniya siyang patuloy na patitingkarin ng Italya ang positibong papel, para pasulungin ang partnership ng Tsina at EU na nakatuon sa kapayapaan, pag-unlad, reporma, at sibilisasyon.

Sinabi naman ni Mattarella, na nasa mataas na antas ang relasyon ng Italya at Tsina. Ipinahayag niya ang pagkatig sa Belt and Road Initiative. Nakahanda rin aniya ang Italya, na pasulungin ang relasyon ng EU at Tsina, at palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga pandaigdig na organisasyon.

Pagkaraan ng pag-uusap, humarap din ang dalawang pangulo sa mga mamamahayag, at isinalaysay nila ang mga bunga ng kanilang pag-uusap.

Ang biyahe ni Xi at pag-uusap ng dalawang pangulo ay naging tampok din ng mga media ng Italya. Ang mga pahayagang La Repubblica at Corriere della Sera at ANSA News Agency ay nagkober sa mga ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>