Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Speaker GMA: dapat maging makatarungan at maliwanag ang pagsusog sa mga kinakailangang alintuntunin ng WTO

(GMT+08:00) 2019-03-27 16:27:16       CRI

Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina—Ang reporma ng World Trade Oragnization (WTO) ay isa sa mga mahalagang paksa sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2019.

Sa porum na "WTO Reform" sa sidelines ng BFA na ginanap Miyerkules, Marso 27, 2019, ipinahayag ni Dr. Gloria Macapagal-Arroyo, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, na nais ng mga umuunlad na bansang ipagpatuloy ang pandaigdigang sistemang pangkalakalan; dahil sa pangmatagalang pananaw, makakabuti sa bawat isa ang globalisasyon at malayang kalakalan.

Aniya, sa proseso ng reporma ng WTO, dapat isaalang-alang ang katotohanang iba't iba ang lebel ng pag-unlad at sistemang pulitikal ng magkakaibang bansa.

Dagdag ni Arroyo, bago umakyat sa poder ang administrasyon ni Donald Trump, ang Amerika ay ang kampeon ng globalisasyon.

Samantala, hindi tiyak ni Arroyo kung ang kasalukuyang posisyon ng Amerika ay para ba talaga sa mas malaking benepisyo sa negosasyon o hindi.

Kaugnay ng espesyal na preferential treatment, ipinalalagay ni Speaker Arroyo na dapat patuloy itong ipagkaloob sa mga bansa sa magkakaibang antas ng pag-unlad, o sa magkakaibang sektor.

Iniharap din niya ang ilang mungkahi tungkol sa reporma ng WTO, kagaya ng: una, kailangang bukas na talakayin ang pagsusog sa kinakailangang alituntunin ng WTO; ika-2, dapat maging makatarungan para sa lahat ng mga bansa ang gagawing pagsusog, malaki man o maliit, umuunlad man o maunlad, mahirap man o mayaman; ika-3, dapat maging maliwanag ang mga alituntunin; at ika-4, dapat isaalang-alang ang pangangailangan ng mga bansa na may magkakaibang lebel ng pag-unlad, sistemang pulitikal, at kani-kanilang priyoridad na pangkabuhayan.

Nagpalitan din ng kuru-kuro sa nasabing porum sina Zhou Xiaochuan, Gobernador ng People's Bank of China; Carlos M. Gutierrez, dating Kalihim ng Komersyo ng Amerika; James Bacchus, dating Tagapangulo ng Appellate Body ng World Trade Organization; Dilip Chenoy, Secretary General ng Federation of Indian Chambers of Commerce and Industry; Michele Geraci, Undersecretary ng Italian Ministry of Economic Development; at Chong Quan, Tagapangulo ng China Society for World Trade Organization Studies.

Ulat / Litrato: Vera
Web Editor: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>