Idinaos Oktubre 11, 2018, ang Ika-3 Gawad UNESCO sa Girls' and Women's Education sa Paris, Pransya. Nagpadala ng mensahe si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Espesyal na Sugo ng UNESCO sa Pagsusulong ng Edukasyon para sa mga Kababaihan.
Ipinahayag ni Peng ang pagbati sa pagdaos ng seremonya at paggalang sa dalawang nagkagantimpala na ang Women's Centre of Jamaica Foundation at Misr El Kheir Foundation ng Ehipto. Aniya, ang pagpapaunlad ng edukasyon ng mga kababaihan para magbigay ng pantay-pantay na pagkakataon sa mga babae katulad ng mga lalaki ay mahalagang hakbangin para maisakatuparan ang target ng sustenableng kaunlaran ng buong daigdig sa taong 2030.
Ang gantimpala ay inihain at itinataguyod ng pamahalaang Tsino. Ito ang kauna-unahang gawad sa edukasyon ng kabataang babae at kababaihan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Salin: Lele