Paris, Pransya—Dumalo at nagtalumpati Marso 26, 2019 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng kanyang counterpart na si Emmanuel Macron ng Pransya sa seremonya ng pagpipinid ng ang Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa ng Tsina't Pransya. Dumalo rin sina Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya at Jean-Claude Juncker, Tagapangulo ng European Commission.
Sa kanyang talumapti, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Pransya ay kapuwa mahalagang kalahok sa pandaigdig na pangangasiwa. Mayroon din aniyang malawak na komong palagay ang dalawang panig sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng daigdig, multilateralismo at malayang kalakalan, pagkatig sa United Nations sa pagganap nito ng mas mahalagang papel at iba pang mga isyu. Aniya, dapat panatilihin ang paggalang at pagtitiwalaan sa isa't isa, pakikitungo batay sa pagkakapantay-pantay, pagbubukas at pagiging inklusibo para sa win-win na resulta, at nang sa gayo'y, magkasamang mapabuti ang pandaigdig na pangangasiwa.
Ipinahayag naman ni Macron na pinahahalagahan ng Pransya ang papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. May mahalagang katuturan ang Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina, aniya pa. Bukod dito, sinabi rin niyang gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig. Maaari aniyang i-ugnay ng Unyong Europeo (EU) ang estratehiyang pangkaunlaran nito at BRI sa pamamagitan ng bagong paraan, at magkakasamang isulong ang konektibidad ng Europa at Asya.
Salin:Lele