|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Boao, Hainan, lalawigan sa dakong timog ng Tsina, ang Asia Media Cooperation Conference, sa sidelines ng 2019 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Ang mga kinatawan ng mga media outlets mula sa aabot sa 20 bansang Asyano ay nagbahagi ng kani-kanilang pananaw at praktika hinggil sa papel ng media sa pandaigdig na pangangasiwa at kooperasyon sa panahon ng omnimedia. Dumalo sa pulong si Carlo Jose Magno Villo, Deputy Director General ng Philippine Broadcasting Service (PBS).
Sa roundtable discussion, bumigkas ng keynote speech si Guo Weimin, Pangalawang Ministro ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina. Saad ni Guo, ang mga bagong teknolohiya na gaya ng AI at 5G ay nagdudulot ng rebolusyonaryong pagbabago sa media landscape.
Si Guo Weimin
Sinabi naman ni Yan Xiaoming, Pangalawang Presidente ng China Media Group (CMG), na sa panahon ng mga bagong teknolohiya, kailangang kailangang palakasin ng mga bansang Asyano ang tinig sa pandaigdig na entablado para makatugma sa kanilang kakayahang pangkabuhayan.
Si Yan Xiaoming
Sa kanyang talumpati, isinalaysay ni Villo ang hinggil sa isinasagawang pagsasaayos at pagpapalakas ng takbo ng mga istasyon ng PBS, sa panahon ng pagbabago na pinasimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay-tulong sa gawaing ito ng PBS.
Nanawagan din siya para sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga Asian media sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga balita, pagsasagawa ng magkakasanib na panayam, pagpapasulong ng komong pag-unlad, at iba pa.
Si Carlo Jose Magno Villo
Ang Asia Media Cooperation Conference ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group, Sekretaryat ng Boao Forum for Asia, at China Public Diplomacy Association.
Salin/Ulat: Jade/Frank
Larawan: Li Jin/Vera
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |