Nitong Huwebes, Abril 4 (local time), 2019, ipinahayag sa White House ni US President Donald Trump na may responsibilidad ang Amerika at Tsina sa buong daigdig. Aniya, kung mararating ng economic at trade talks ng dalawang bansa ang pagkakasundo ay makakabuti ito sa buong mundo.
Kinatagpo nang araw ring iyon ni Trump si Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa. Nang sagutin niya ang tanong ng mamamahayag ng China Media Group (CMG) tungkol sa "Global Responsibility," sinabi ni Trump na mabuting kasabihan ang "global responsibility." Talagang may responsibilidad ang Amerika at Tsina sa daigdig, ani Trump.
Mula Abril 3 hanggang 5 (local time), ginanap sa Washington D.C. ang Ika-9 na High-Level Economic at Trade Talks ng Tsina at Amerika.
Salin: Li Feng