|
||||||||
|
||
Sa proseso ng alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika na tumatagal na ng kalahating taon, ang isa sa mga reklamo ng panig Amerikano ay napakalaking trade deficit ng Amerika sa Tsina. Ito rin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng sapilitang pagpapataw ng Amerika ng taripa sa mga inaangkat na produkto mula sa mga pangunahing trade partner nito na gaya ng Canada, Mexico, Unyong Europeo (EU), at Hapon. Mayroon bang kalugihan ang Amerika sa kalakalan sa Tsina?
Tinukoy Martes, Setyembre 25, ni Fu Ziying, International Trade Representative at Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa proseso ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, mas malaki kaysa mga bahay-kalakal na Tsino ang tubo ng mga bahay-kalakal na Amerikano. Kahit may trade surplus ang Tsina, nag-enjoy ang Amerika ng surplus ng interes.
Ang surplus ng interes ay tunay na kalagayan ng bilateral na relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Pagkaraan ng halos 40 taong pag-unlad, umabot na sa 700 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. 700 bilyong dolyares naman ang kita ng pagbebenta ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang Amerikano sa Tsina, at lampas sa 50 bilyong dolyares ang kanilang tubo.
Magkaiba ang posisyon ng Tsina at Amerika sa global industrial chain at global value chain. Ang pangunahing kinikita ng mga bahay-kalakal na Tsino ay gastos sa pagpoproseso, pero napakalaki ng tubo ng mga bahay-kalakal na Amerikano mula sa pagdidisenyo ng produkto, suplay ng mga piyesa at pagtitinda.
Ang pagpasok ng mga de-kalidad at murang produktong Tsino sa pamilihan ng Amerika ay nagpapasagana ng pagpili ng mga mamimiling Amerikano, nagpapababa ng gastos sa pamumuhay ng mga mamamayang Amerikano.
Ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay nagkakaloob ng nakararaming pagkakataong komersyal para sa mga bahay-kalakal ng Amerika. Ayon sa "2017 U.S. State Exports to China" na inilabas ng U.S.-China Business Council, noong 2017, mahigit 10,000 dolyares ang halaga ng karaniwang produktong iniluwas ng bawat magsasakang Amerikano sa Tsina.
Sa mga may bentaheng industriya ng Amerika na gaya ng sasakyang de motor, eroplano, produktong agrikultural at serbisyo, nananatiling malaki ang trade surplus ng Amerika sa Tsina. Lampas sa 54 bilyong dolyares ang surplus ng kalakalan ng serbisyo ng Amerika sa Tsina.
Sa katunayan, ang di-balanseng kalakalan ng dalawang bansa ay may kinalaman sa limitasyon ng Amerika sa pagluluwas sa Tsina. Ayon sa pag-aanalisa ng kaukulang organo ng Amerika, kung paluluwagin ang limitasyon sa pagluluwas ng mga hay-tek na produkto sa Tsina, mababawasan ng humigit-kumulang 35% ang trade deficit ng Amerika sa Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |