Sa isang pahayag na inilabas Lunes, Disyembre 3, 2018, ng American Soybean Association (ASA), winiwelkam nito ang pagkakaroon ng pagkakasundo ng mga lider ng Tsina at Amerika tungkol sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Nanawagan din ito na panumbalikin ang relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon.
Sapul noong Hulyo ng kasalukuyang taon, paulit-ulit na ipinahayag ng ASA na ang pagpapataw ng pamahalaang Amerikano ng karagdagang taripa sa mga inaangkat na produktong Tsino ay tiyak na nakakapinsala sa kapakanan ng mga magsasakang Amerikano. Nanawagan din itong hanapin ang "maayos na kalutasan."
Salin: Li Feng