Lunes, Disyembre 4, 2018, local time, idinaos sa Washington D.C. ang ika-11 US-China CEO and Former Senior Officials' Dialogue. Ito ay magkasamang itinaguyod ng China Center for International Economic Exchanges (CCIEE) at United States Chamber of Commerce.
Dumalo sa diyalogo sina Zeng Peiyan, Tagapangulo ng CCIEE, at Thomas Donohue, Presidente ng US Chamber of Commerce, at ang mahigit 30 CEO, dating mataas na opisyal ng pamahalaan, dalubhasa at iskolar ng Tsina at Amerika.
Isang magkasanib na pahayag ang inilabas ng panig Tsino't Amerikano pagkatapos ng diyalogo. Ayon sa pahayag, ipinalalagay ng panig Tsino at Amerikano na ang framework negotiation ng dalawang bansa ay nakakabuti sa relasyong pangkabuhayan at komersyal ng dalawang bansa, at napakaraming gawain ang kailangang gawin ng kapuwa panig para likhain ang pasubali sa pagkakaroon ng ganitong framework.
Magkasamang nanawagan ang kapuwa panig sa mga lider ng Tsina at Amerika na kusang loob na buksan ang kabuhayang panloob, tutulan ang proteksyonismo, at ibayo pang katigan ang malaya't makatarungang kalakalan at pasilitasyon ng pamumuhunan ng buong mundo.
Salin: Vera