Nag-usap kahapon, Sabado, ika-6 ng Abril 2019, sa Tehran, Iran, sina Pangulong Hassan Rouhani ng bansang ito at dumadalaw na Punong Ministro Adil Abdul-Mahdi ng Iraq.
Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapatupad ng mga kasunduang pangkooperasyon na nilagdaan ng dalawang bansa noong isang buwan.
Ipinahayag ng dalawang lider, na palalalimin ang kooperasyon sa paglaban sa pagpupuslit, ilegal na droga, at terorismo. Sinang-ayunan din nila ang patuloy na pagluluwas ng Iran ng natural gas at koryente sa Iraq, pagpapalakas ng kooperasyon ng mga bangko ng dalawang bansa, at pagtatayo ng isang daambakal sa pagitan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai