Ayon sa ulat Enero 13, 2019, ng Tasnim News Agency ng Iran, pinabulaanan ng Ministring Panlabas ng bansa ang pag-urong mula sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuclear Deal.
Ipinahayag ni Bahram Qasemi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran na ang sabi-sabi kamakailan ay hindi totoo. May ilang grupo lamang sa loob ng bansa na lumilikha ng pananakot, dagdag niya. Sinabi niyang ang anumang kapasyahan hinggil sa kasunduan ng isyung nuklear ng Iran ay dapat gawain ng kataas-taasang decision-making body ng bansa.
salin:Lele