Sa pakikipagtapo sa mga mamamahayag na Tsino't dayuhan, ipinahayag Marso 15, 2019 ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na patuloy na magpapasigla ang Tsina ng pamilihan, magpapatingkad ng inobasyon ng pamilihan, upang tiyak na pangangalagaan ang takbo ng kabuhayan sa loob ng makatwirang saklaw at pasulungin ang pag-unlad na may mataas na kalidad. Aniya, ang kabuhayang Tsino ay laging nagiging isang anchor ng katatagan ng kabuhayang pandaigdig.
Bilang tugon sa tanong ng mamamahayag ng Reuters, winika ni Li na kinakarahap ng Tsina ang pressure ng pagbaba ng kabuhayan, pero, humihina rin ang galaw ng kalakalang pandaigdig. Aniya, ang pagsasaayos ng pagtaya ng bilis ng paglaki ng kabuhayang Tsina ay nagpapakita ng matatag na signal sa pamilihan.
Tinukoy ni Li na sa kabila ng anumang sitwasyon, dapat isaalang-alang ang kalagayan sa kasalukuyan at sa pangmalayuang hinaharap, at pangalagaan ang katatagan at mainam na tunguhin ng kabuhayan sa mahabang panahon.
salin:Lele