Idinaos sa Beijing nitong Martes, Pebrero 26, ang Symposium sa Mataas na Antas hinggil sa Macro-economy ng Tsina. Ayon sa ulat na ipinalabas ng symposium, tinatayang aabot sa 6.2% hanggang 6.5% ang paglaki ng kabuhayan ng bansa sa 2019 at 2020.
Anang ulat, ang pagtaya ay batay sa serye ng mga pambansang patakaran at hakbangin para mapatatag at mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, sa pamamagitan ng reporma't pagbubukas sa labas. Ang nasabing patakaran at hakbang ay may kinalaman sa hanap-buhay, pinansya, kalakalang panlabas, puhunang dayuhan, pamumuhunan, at iba pa.
Ang naturang symposium ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Xiamen University at Economic Information Daily ng Xinhua News Agency. Lumahok dito ang mga dalubhasa sa kabuhayan mula sa iba't ibang pamantasan at institusyon ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio