|
||||||||
|
||
Agusan del Sur--Ipinahayag dito Lunes, April 8, 2019 ni Jin Yuan, Economic and Commercial Counselor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na ang Chinese loans ay hindi banta sa pambansang kapakanan ng Pilipinas.
Winika ito ni Jin sa seremonya ng inauguration at turn-over ng Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center Project (Agusan del Sur) na idinaos sa munisipalidad ng San Francisco.
Kaugnay ng mga balitang may kinalaman sa di-umano'y "Chinese loans crisis", sinabi ni Jin na transparent ang mga Chinese loan agreements at isinapubliko ang mga nilalaman nito sa website ng Department of Finance ng Pilipinas (DOF).
Batay sa datos ng DOF, noong 2018, ang bolyum ng mga utang ng Pilipinas sa Tsina ay katumbas ng 0.66% ng kabuuang bolyum ng mga utang nito sa mga dayuhang bansa. Sinabi ni Jin na maliit talaga ang utang ng Pilipinas sa Tsina at hindi maaaring magresulta sa debt crisis. Sinabi pa niyang, hindi lamang ang Tsina, kundi ang mga pandaigdigang organisayong gaya ng World Bank, International Monetary Fund at Asian Development Bank ay puno ng kompiyansa sa kakayahan ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa prudent debt management para maiwasang maganap ang debt crisis.
Binigyang-diin ni Jin na ang mga loan agreements sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay hindi lumalabag sa konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.
Ang Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center Project sa Agusan del Sur ay ikalawang drug rehabilitation center ng Pilipinas na itinayo sa tulong ng pamahalaang Tsino, para suportahan ang kampanya ng pamahalaang Pilipino sa paglaban sa iligal na droga.
Nauna nang binuksan ang katulad na rehab center sa Sarangani noong Disyembre 2018.
Sinabi ni Jin na matatag na sinusuportahan ng pamahalaang Tsino ang mga hakbang ng pamahalaang Pilipino sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan.
Ang nasabing center ay may 150 beds para sa 100 lalaki at 50 babaeng sasailalim sa pagpapagamot.
Ulat at Larawan: Ernest
Pulido: Mac at Liu Kai
Web editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |