Idinaos kahapon, sa Mostar, Bosnia ang Herzegovina, ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-22 International Economic Fair Mostar. Nagpadala ng mensaheng pambati sa ekspong ito si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na sa mahabang panahon, napapanatili ng Tsina at mga bansa sa gitna at silangang Europa na kinabibilangan ng Bosnia and Herzegovina ang mainam na tunguhin ng pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa sa gitna at silangang Europa, para lalo pang palawakin ang two-way opening up, at pasulungin ang pag-unlad ng two-way na kalakalan para magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang panig, aniya pa.
Ang Mostar Fair ay mahalagang ekspo sa rehiyong ito, at bilang guest country of honor, ipapakita ng Tsina ang mga produktong may mabuting kalidad. Bukod dito, ine-enkorahe ng pamahalaang Tsino ang mga bahay-kalakal nitong tumulong sa pag-unlad ng lokal na kabuhayan at lipunan, at pabutihin ang buhay ng mga mamamayan ng Bosnia ang Herzegovina.
Salin:Sarah