Martes, Abril 9, 2019, dumalo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Donald Tusk, Tagapangulo ng European Council, at Jean-Claude Juncker, Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), sa ika-21 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at EU, at naglabas ng magkasanib na pahayag. Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang naturang magkasanib na pahayag ay nagpapakitang maayos na malulutas ang alitan sa pagitan ng Tsina at Europa, sa pamamagitan ng diyalogo't pagsasanggunian. Nagpapakita rin ito ng mataas na antas ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Europa, dagdag ni Lu.
Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Europeo, para ipatupad ang mga komong palagay na narating na nasabing pagtatagpo, pasulungin ang kooperasyong Sino-Europeo sa bagong antas, at tuluy-tuloy na gawin ang ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera