Pinasinayaan Miyerkules, Abril 10, 2019, sa punong himpilan ng European Parliament sa Brussels, Belgium, ang Eksibisyon ng Tagumpay ng Pagbabawas ng Tsina sa Karalitaan na pinamagatang "Hanapin ang Magandang Pamumuhay."
Ang eksibisyong ito ay magkasamang itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho at pamahalaang panlalawigan ng Jilin ng Tsina. Layon nitong isalaysay sa daigdig ang mahalagang pananalita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa poverty alleviation, at ipakita ang natamong napakalaking tagumpay ng Tsina sa usaping ito.
Salin: Li Feng