Magkakahiwalay na nakipagtagpo kahapon, Huwebes, ika-11 ng Abril 2019, sa Dubrovnik, Croatia, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa mga punong ministro ng ilang bansa sa Gitna at Silangang Europa, na gaya ng Bulgaria, Serbia, Slovenia, Czech, Albania, at Slovakia.
Nakipagpalitan ng palagay si Li sa kanyang mga counterpart hinggil sa pagpapalakas ng bilateral na relasyon at kooperasyon. Ipinahayag din niya ang pag-asang makakapagtamo ng mga konkretong bunga ang gagawing Ika-8 Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa.
Salin: Liu Kai