Naglakbay-suri kahapon, Huwebes, ika-11 ng Abril 2019, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Andrej Plenkovic ng Croatia, sa construction site ng Peljesac Bridge, na itinatayo ng mga kompanyang Tsino sa Peljesac Peninsula sa katimugan ng Croatia.
Sinabi ni Li, na ang proyektong ito na bahaging itinataguyod ng European Union (EU) Fund ay kinuha ng mga kompanyang Tsino sa pamamagitan ng public bidding. Sinusunod aniya ng panig Tsino ang mga prinsipyo ng pamilihan at regulasyon ng EU, para buong husay na isagawa ang proyektong ito, bilang modelo ng multilateral na kooperasyon ng Tsina, Croatia, at EU.
Salin: Liu Kai