Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kompanyang Tsino, nagbigay-tulong sa mga taong apektado ng sunog sa Batangas

(GMT+08:00) 2019-04-12 16:53:30       CRI

Batangas City, lalawigang Batangas--Iniabot kamakalawa, Miyerkules, ika-10 ng Abril 2019, ng kinatawan ng China Harbour Engineering Company Ltd. kay Hermilando Mandanas, Gobernador ng Batangas, ang mga iniabuloy na materyal, na kinabibilangan ng 2.65 toneladang bigas, ibang mga pagkain, tubig-inumin, tolda, at iba pa, bilang tulong sa mga lokal na residenteng apektado ng sunog.

Noong nagdaang Sabado ng gabi, naganap ang sunog sa Barangay Santa Clara ng Batangas City. Natupok sa sunog ang mga tahanan ng 150 pamilya, at apektado ang mahigit 950 katao.

Ginagawa ngayon ng China Harbour Engineering Company Ltd. ang proyekto ng renobasyon ng puwerto sa lalawigang Batangas. Sa 130 taga-Batangas na kawani ng kompanyang ito, ang mga tahanan ng 26 na katao ang nasunog.

Ulat at larawan: Ernest
Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>