|
||||||||
|
||
Inilipat kahapon, Lunes, ika-8 ng Abril 2019, sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ang pamamahala sa Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (Agusan del Sur) na itinayo sa tulong ng panig Tsino.
Dumalo sa seremonya ng paglilipat na idinaos sa San Francisco, Agusan del Sur, sina Roger Tong-an, Pangalawang Kalihim ng Kalusugan; Adolph Edward G. Plaza, Gobernador ng Agusan del Sur; Jin Yuan, Economic and Commercial Counselor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas; at iba pang opsiyal ng dalawang panig.
Sinabi ni Jin, na ang pagbibigay-tulong ng pamahalaang Tsino sa pagtatayo ng rehabilitation center na ito at isa pa sa Sarangani ay nagpapakita ng buong tatag na pagkatig sa paglaban sa droga ng pamahalaang Pilipino.
Ipinahayag naman ni Plaza ang pasasalamat sa panig Tsino. Sinabi rin niyang, sa panahon ng pagtatayo ng naturang rehabilitation center, sinanay din ng kompanyang Tsino ang maraming Pilipinong teknisyan, na makakatulong sa pag-unlad ng kanyang lalawigan sa hinaharap.
Ang Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (Agusan del Sur) ay itinayo ng China Construction Third Engineering Bureau Co., Ltd. Sinimulan ang konstruksyon nito noong ika-12 ng Pebrero 2018, at natapos ang konstruksyon noong ika-8 ng Abril. Mas maikli nang 6 na buwan, kumpara sa nakatakdang tagal ng konstruksyon. May 150 beds ang rehabilitation center para sa 100 lalaki at 50 babaeng sasailalim sa pagpapagamot.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |